^

Police Metro

Quezon City idineklarang ‘Top City’, umani ng papuri’

Angie dela Cruz - Pang-masa
Quezon City idineklarang ‘Top City’, umani ng papuri’
The Quezon City Hall.
Facebook / Quezon City Local Government

MANILA, Philippines — Umani ng pagkilala ang Quezon City government ng global non-profit organization CDP bilang isa sa 119 leading cities sa buong mundo na nagsisilbing trailblazer sa paglikha ng mga epektibong hakbang para maibsan ang epekto ng climate crisis.

Sa mahigit 900 lungsod na na-assess ng CDP, ang QC ay napiling isa sa ‘A List Cities’ base sa environmental data na nakarating sa CDP-ICLEI.

Ang Quezon City ay mayroong citywide emissions inventory at nakapagpatupad ng climate action plan. Nakumpleto rin nito ang climate risk at vulnerability assessment at may climate adaptation goal na ginagawa kung paano masolusyunan ang climate hazards.

Malaking bahagi rin ang ginawang papel ni QC ­Mayor Joy Belmonte na kanyang political commitment at leadership para maging A List City ang QC.

“We are truly honored to be part of the A-List cities of CDP. The city’s climate initiatives are all anchored in our Enhanced Local Climate Change Action Plan that is made possible with the help of C40 Cities and other stakeholders to ensure that it is inclusive and responsive to the needs of our citizens. There are many vulnerable people in our city and it is imperative that we bring the people with us as we gear towards a livable, green, sustainable and climate-resilient future,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Noong nakaraang buwan, kinilala rin si Mayor Belmonte bilang “Champion of the Earth” dahil sa kanyang Policy Leadership, ang unang halal na Pinoy na tumanggap ng United Nations’ highest environmental honors.

Nabatid na mayroong citywide Greenhouse Gas (GHG) inventory gamit ang 2016 data para sa QC’s emission reduction goals and initiatives.

Sa ginawang partnership sa Greenpeace at RippleX,  naisagawa ng QC ang “Kuha sa Tingi’’ program na naging daan sa pagtatayo ng refilling stations sa mga sari-sari stores para sa pangangailangan ng bawat komunidad na karaniwang naibebenta na nasa maliliit na pakete o sachet tulad ng liquid detergent, dishwashing liquid, fabric softener, at multi purpose cleaner.

Nakalikha rin ang QC ng mahigit 18,000 good green jobs mula sa mahigit 750 urban farms sa ilalim ng Grow QC program, isang collective at multi-sectoral food security initiative na tutugon sa food inefficiency na karaniwang apektado ang mahihirap na pamilya.

CDP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with