MANILA, Philippines — Isang kambal na magkapatid na nasa 5-anyos ang nalunod sa swimming pool nitong Linggo ng hapon sa Cordova, Cebu. Idineklarang dead on arrival sa Art Medical Center sa Lapu-Lapu City ang magkapatid na sina Patrick at Dexson Sarmiento, kapwa residente sa Ajoya Subdivision, Barangay Gabi, Cordova.
Batay sa report ng Cordova Municipal Police station, alas-3:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Naglalaro ng bola ang magkapatid nang mapunta ang bola sa swimming pool na kanilang hinabol hanggang sa tuluyang mahulog at malunod.