MANILA, Philippines — Isang barangay chairwoman at mister nito ang nasawi nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga sa Tarlac.
Namatay noon din si barangay chairwoman Editha Sarsuela ng Brgy. Plastado at mister na si Edgar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang insidente, alas-7:20 ng umaga sa Brgy. San Juan, Ramos, Tarlac ay sakay ang mag-asawa ng bisikleta nang pagbabarilin ng mga hindi pa tukoy na salarin.
Si Editha ay three-termed barangay chairwoman.