MANILA, Philippines — Walang tigil putukan ang ipatutupad ng pamahalaan sa National Democratic Front ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ito ay kahit na ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panibagong panimula ng peace talks sa NDF.
Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya ng National Security Council, walang suspension of military operations (SOMO) ipatutupad ang pamahalaan kung kaya tuloy din ang law enforcement operation.
Paliwanag ni Malaya, ang joint statement ukol sa peace talks ay exploratory efforts pa lamang.
Sabi ni Malaya, nagpahayag lamang ng kahandaan ang NDF na ibaba ang armadong pakikibaka.
Natural aniya na sasabihin ni Pangulong Marcos na bukas ito sa lahat ng paraan para tuldukan ang armadong pakikibaka.
Mayroon aniyang local peace agreement ang pamahalaan sa mga guerillas sa mga probinsya, mayroong amnestiya sa rebeldeng grupo at ang pinakahuli ang exploratory effort sa peace talks.
Sa ngayon, premature pa aniya ang peace talks kung kaya tuloy na muna ang focus ng military operations ng Armed Forces of the Philippines.
Katunayan, sinabi ni Malaya na maganda ang tempo ng AFP sa pagsugpo sa mga kalaban ng estado.