^

Police Metro

SOMO sa Pasko malabo sa NDF

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang tigil putukan­ ang ipatutupad ng pama­halaan sa National Democratic Front ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ito ay kahit na ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panibagong pani­mula ng peace talks sa NDF.

Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya ng National Security Council, walang suspension of military ope­rations (SOMO) ipatutupad ang pamahalaan kung kaya tuloy din ang law enforcement operation.

Paliwanag ni Malaya, ang joint statement ukol sa  peace talks ay exploratory efforts pa lamang.

Sabi ni Malaya, nagpahayag lamang ng kahan­daan ang NDF na ibaba ang armadong pakikibaka.

Natural aniya na sasa­bihin ni Pangulong Marcos na bukas ito sa lahat ng paraan para tuldukan ang armadong pakikibaka.

Mayroon aniyang local­ peace agreement ang pamahalaan sa mga guerillas sa mga probinsya, mayroong amnestiya sa rebeldeng grupo at ang pinakahuli ang exploratory effort sa peace talks.

Sa ngayon, premature pa aniya ang peace talks kung kaya tuloy na muna ang focus ng military ope­rations ng Armed Forces of the Philippines.

Katunayan, sinabi ni Malaya na maganda ang tempo ng AFP sa pagsugpo sa mga kalaban ng estado.

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with