Pangulong Marcos pinuri ng MNLF sa proklamasyon ng amnestiya
MANILA, Philippines — Pinuri ng Moro National Liberation Front (MNLF) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagpapalabas ng Proclamation No.406 na nagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro nito na nagnanais na bumalik sa batas.
Sinabi ni Office of Deputy Speaker Ustadz Abdulkarim Tan Misuari na ang Proclamation No. 406 ni Pangulong Marcos ay isang matapang na hakbang, na nagpapakita ng kanyang pangako tungo sa pagkakaisa, kapayapaan at pagkakasundo.
Idinagdag niya na ang proclamation amnesty ay nagsisilbi rin bilang isang makabuluhang hakbang tungo sa pambansang pagkakaisa, at nagtataguyod ng isang mapayapa at isang mas inklusibong bansa.
Sinabi rin ni Misuari na ang desisyon ni Pangulong Marcos ay hindi lamang sumusuporta sa muling pagsasama-sama ng mga miyembro ng MNLF sa lipunan, kundi nagpapahintulot din sa kanila na mag-ambag sa pagbuo ng bansa.
Inilabas ni Marcos ang nasabing proklamasyon noong Nobyembre 22, na nagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng MNLF na nakagawa ng mga pagkakasala na may parusa sa ilalim ng Revised Penal Code at mga special penal laws.
Binanggit ng Pangulo na ang pagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng MNLF ay magiging daan sa kapayapaan at pagkakasundo.
- Latest