MANILA, Philippines — Aabot sa 41% ng mga Filipino ang nagsabing hindi pa rin nagbabago ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Ito ang lumabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Sabado, Nobyembre 25.
Tanging 28% lamang ang nagsabing bumuti ang kalidad ng kanilang buhay sa loob ng 12 buwan, at 30% ang nagsabi na mas sumama pa ito.
Ang mga nagsabi na bumuti ang kanilang buhay ay tinawag ng SWS na “gainers”, at ang kabaliktaran naman ay “losers” habang ang nalalabi ay “unchanged.”
Minarkahan ang net score ng gainers ng -2, at klasipikado ng SWS bilang “fair.”
Dagdag pa ng SWS na ito ang pinakamababang net gainer score mula noong Hunyo 2022.
Ang margins of error ay nasa ±2.8 percent para sa national percentages at tig-±5.7 percent para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang survey ay isinagawa ng SWS mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1 sa 1,500 adults, 13 percent ang nasa Metro Manila, 45 percent sa Balance Luzon, 19 percent sa Visayas at 23 percent sa Mindanao.
Sa survey na isinagawa mula Hunyo hanggang Hulyo, ang gainers ay nasa 33 percent, losers sa 22 percent at unchanged sa 45 percent.