MANILA, Philippines — Umaabot sa 56 na rehistradong mga mangingisdang Navoteños ang nakatanggap ng mga bangkang fiberglass at lambat na handog ni Senadora Imee Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco at Navotas City Rep. Toby Tiangco.
Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa ipinakitang malasakit sa kanilang mga mangingisda .
“We recognize the hardships that our fisher folk experience and the sacrifices they make to give their families a better life. At the same time, we are grateful to Sen. Imee for the continuous assistance she extends to Navoteños,” ayon kay Mayor Tiangco.
Pinaalalahanan naman ni Rep. Tiangco ang mga benepisyaryo na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran mula sa polusyon at pagkasira.
“Most Navoteños, including us, rely on the sea for our livelihood. It’s crucial that we keep our seas and oceans free from pollution to ensure a plentiful catch,” ayon sa solon.
Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga fiberglass boat na nilagyan ng 16-horsepower marine engine at underwater fittings, gayundin ng lambat, lubid, at fishing buoys.