^

Police Metro

Kamara, susunod sa ‘polisiya’ ni Pangulong Marcos sa ICC probe - Romualdez

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Kamara de Representantes na tatalima ito sa anumang magiging polisiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr. kaugnay sa isyu ng International Criminal Court (ICC) investigation sa madugong drug war ng dating Duterte administration.

“We will take it as is. We will follow, we will follow the policies,” ayon kay House Speaker Ferdinand Romualdez sa isang ambush interview nitong Biyernes ng gabi sa sideline ng 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF31) na ginaganap sa PICC sa Pasay City kasunod na rin sa naging pahayag ni Marcos na pinag-aaralan na kung babalik ang Pilipinas na miyembro ng ICC.

Iginiit naman ni Romualdez na pagpapahayag lamang ng saloobin ng mga kongresista ang tatlong resolusyon na inihain kaugnay sa panawagan sa pamahalaan na payagan ang mga imbestigador ng ICC na siyasatin ang madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“But what you heard is just the sense of some of the congressmen. We will still deliberate (House resolutions) on that,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

vuukle comment

ICC

PICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with