2 gunmen ng mag-live in wala sa police gallery

Kuha ng viral na pamamaril sa loob ng bus sa Carranglan, Nueva Ecija.
Video grabbed from News5

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Provincial Police Office (PPO) na ang dalawang bumaril at nakapatay sa mag-live in sa loob ng bus sa Nueva Ecija ay wala sa police gallery. Ito ang sinabi ni Nueva Ecija PPO public information officer Police Captain ­Franklin Sindac na kung saan ay patuloy ang imbestigasyon sa posibleng motibo at taong sangkot sa krimen.

Makikita na nag-viral sa social media ang video ng malapitang pamamaril ng dalawang lalaki sa mag-live in habang nakaupo sa bus.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Gloria Mendoza Quillano, 60, residente ng Sta. Luciana, Cauyan City, Isabela, at kinakasama nitong si ­Arman Bautista, 55, tubong Koronadal City, South Cotabato.

Ayon sa pulisya na isa sa posibleng person of interest ay ang anak na lalaki ni Quillano dahil sa may alitan silang mag-ina. Pinabulaanan naman ng anak ang pagkakasangkot sa nasabing krimen nang ito ay imbestigahan ng mga pulis.

Show comments