MANILA, Philippines — May sapat at abot kayang suplay ng bigas sa bansa partikular sa Metro Manila lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.
Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa dahil halos nakumpleto na ng palay farmers ang wet season harvest kaya’t walang dahilan para kulangin ang bansa sa suplay ng bigas.
Anya, ang volume ay kasalukuyang naibebenta sa average na P23 hanggang P25 kada kilo na farmgate price. Ang average retail price para sa regular well milled ay nasa P42.80 kada kilo habang ang prevailing price para sa well milled rice ay P45 kada kilo.
Sinabi ni De Mesa na may kabuuang 3.063 million metric tons (MMT) ng bigas ang maaani nitong Nobyembre at Disyembre.