MANILA, Philippines — Nalusutan ng barko ng Pilipinas ang humahabol na Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes.
Ayon sa Philippine Coast Guard,tila isang pelikulang ang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang at panggigipit ng China Coast Guard.
Nasa 11 Chinese vessels ang nagsagawa ng mga pagharang at panggigipit sa PCG vessels at sa resupply boats.
Nabatid na nasaksihan din ng ilang miyembro ng media ang habulan hanggang sa marating ng PCG personnel ang Ayungin Shoal.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, nakumpleto ang re supply mission sa kabila ng mga pagharang at panggigipit ng China Coast Guard.
Lumilitaw sa monitoring ng PCG na nasa 38 Chinese vessels ang namataan sa paligid ng Ayungin Shoal.
Sa pahayag ni PCG Spokeperson Jay Tarriela, ito na ang pinakamaraming bilang ng Chinese vessels sa lugar kung saang nangyari ginamitan ng Chinese Coast Guard ng water cannon ang isang military-commissioned boat ng gobyerno.
Sa nasabing bilang 28 ay pinaghihinalaang kabilang sa Chinese maritime militia (CMM), lima mula sa CCG, at limang iba pa ay mga warships ng People’s Liberation Army-Navy