MOA ng BDO-Philko Group of Companies oportunidad sa MSME
MANILA, Philippines — Ang Memorandum Of Agreement (MOA) sa pagitan ng BDO Network Bank at ng Philko Group of Companies ay malaking oportunidad para sa mga micro, small and medium enterprises (MSME).
Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na naging saksi sa MOA signing na isinagawa sa Clark City, Pampanga.
Ang BDO Network Bank ang magbibigay ng puhunan sa kwalipikado at interesadong MSMEs na maging bahagi sa negosyo ng Philko Group of Companies.
Nabatid kay Gadon na ang Philko Group of Companies ang aalalay sa pakikipag-partner ng MSME sa kanila at magbibigay ng mga business models, product development, financing at marketing sa mga MSME.
Aniya, makakapagbigay ng economic opportunities ito sa Filipino at malaki ang maitutulong sa pag-angat ng kabuhayan na pangunahing programa ng Marcos Administration.
- Latest