MANILA, Philippines — “Maybe not the whole 33km.”
Ito ang target ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista bago matapos ang termino ni Pangulong President Marcos sa 2028 na patuloy ang pag-usad ng konstruksyon na tinaguriang “Project of the Century.”
Ani Bautista, nakatakdang umabot ang kasalukuyang boring machine sa Quirino Avenue mula Valenzuela sa pagtatapos ng taon.
Dalawa pang boring tunnel boring machines ang gagamitin sa paggawa ng tunnel mula Metrowalk patungong Shaw Boulevard.
“By February, we will have 6 boring machines so the work will go faster,” aniya sa panayam.
Target ng DOTr ang full ops ng Metro Manila Subway sa 2029, at kinalos naman ang 2027 partial opening.
Magsisimula ang Metro Manila Subway sa Valenzuela patungong Quezon City, Pasig, Makati hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at Bicutan. Mula rito, aarangkada ito sa North South Commuter Railway hanggang Calamba, ayon kay Bautista.