Matapang na aksyon sa pambu-bully ng China sa West Philippine Sea, pinaplano ng Kongreso

More than 50 Chinese vessels swarm the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the West Philippine Sea, July 7.
AFP Wescom

MANILA, Philippines — “Mas matapang na aksyon o sagot ng Pilipinas sa pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).”

Ito ang plano ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, para tapatan ng Pilipinas ang pambu-bully ng China bukod sa mga diplomatic protest.

“For one, we can give what our Coast Guard and Navy need right awa,” ayon kay Speaker Romualdez.

Dagdag pa niya, “ano­ther is allowing our allies to patrol the West Philippine Sea anytime para masiguro ang malayang paglalayag sa naturang lugar na hindi ginagambala nino man.”

Magugunita na inakusahan ng China ang Phi­lippine Navy na pumasok ito sa kanilang teritoryo sa Scarborough Shoal na itinanggi ng huli kasabay nang nagpapatrolya lang ang BRP Conrado Yap sa Bajo De Masinloc sa Zambales, na bahagi naman ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Kung titingnan mo ang reaksyon ng mga tao sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea, galit sila at gusto nila ng mas matapang na hakbang ang gawin natin,” ani Romualdez.

Kaya’t nais nitong ibigay sa mga pwersa natin na nag-o-operate ang kanilang pangangailangan tulad ng mga kagamitan gaya ng mga patrol boats na bigay ni Prime Minister Kishida.

Show comments