MANILA, Philippines — Binalaan muli ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga kandidato na huwag mandaya sa halalan ngayong araw upang hindi magka-problema sa sandaling manalo sa halalan.
Aniya, kailangan lamang na magtalaga ng tamang bilang ng poll watcher upang hindi maakusahan ng vote buying.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10946, Section 25 (k)maaaring magkaroon ng presumption of vote buying kapag may higit dalawang (2) watchers kada precinct ang bawat kandidato.
Ayon kay Abalos, naobserbahan ng Comelec ang istilo ng ilang kandidato ay itago ang pagbili ng boto sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming kunwari ay magsisilbing poll watchers.
Apela ng kalihim sa publiko na maging mapagmatyag at mag-ulat sa Comelec o DILG kung may mapansin silang presinto na umaapaw sa mga poll watchers.
Sa ilalim aniya ng Section 264 ng Omnibus Election Code, ang mga kandidatong mahuhuling may paglabag sa vote buying ay may parusang pagkakulong hanggang anim na taon at perpetual disqualification sa public office.