MANILA, Philippines — Hindi tuloy ang “Libreng Sakay” program sa buwan ng Nobyembre.
Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na taliwas sa naunang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magbabalik na ang “Libreng Sakay” nitong Nobyembre hanggang sa katapusan ng Disyembre dahil nakatakda nang ilabas ang P1.3 bilyong budget para rito.
Ayon kay Bautista, sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan ngayon ang pagbibigay na lamang ng discount sa mga pasahero dahil kulang pa ang kanilang pondo.
Nagwakas ang “Libreng Sakay” sa EDSA Bus Carousel noong Disyembre 31, 2022 matapos ang pagtakbo nito ng dalawang taon.