Marcos pinaghahanda ang AFP para ipagtanggol ang Pinas
MANILA, Philippines — Pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para ipagtanggol ang bansa laban sa mga bantang kinakaharap nito.
Inihayag ito ng Pangulo matapos panumpain sa Malacañang kahapon ang mga bagong promote na heneral at flag officers ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati na dapat manatiling alerto at bantayan ang mga nagtatangkang ilagay sa panganib ang kapayapaan ng bansa bilang mga bagong lider ng AFP.
“As the new leaders of our AFP, you are expected to help ensure that the Armed Forces will be more agile, felxible and responsive to better address emerging issues confronting our nation. We must be ready. Our Armed Forces must be capable, of securing and defending the archipelago from emerging threats,” anang Pangulo.
Hinikayat din ng Presidente ang mga bagong heneral na paigtingin ang joint planning at operations upang masiguro ang interoperability sa lahat ng units ng AFP.
Pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga opisyal na kakabit ng kanilang promosyon ang mas mabigat na responsibilidad at mas mabigat na tungkulin.
Dito aniya masusukat ang tapang ng kanilang karakter, integridad, katapatan at propesyunalismo sa pagtugon sa kanilang mandato at pagdepensa sa bansa at sa mamamayan.
- Latest