Ilang operators ng ‘online illegal gambling’, kinasuhan

MANILA, Philippines — Ilang opisyal at ka­wani ng apat na kumpanya na nasa likod ng operas­yon ng online illegal gam­bling ang kinasuhan na ng National Bureau of Investigation-Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD).

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Karlos Naidas; Homer Nieverra; May-i Padilla; Nina Rita Cinches; at Enrico Es­pañol ng Eplayment Corporation.

Gayundin sina Rafael Reyes Reyes;Jeffelyn Benavente Estipona; Jane Pauline Benavente Estipona; Mariam Estipona Valderama; at Oliver Raandaan ng Blockchain Smart Tech Co. I.T. Consultancy; Jose Mari Saulo ng GlobalComRCI International; at Luke Wingfield Digby ng Paymero Technologies Limited.

Nag-ugat ang operas­yon ng NBI mula sa reklamo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) laban sa na­­sabing mga kumpanya.

Ginagamit umano ang pangalan at logo ng PCSO sa kanilang online games ng walang pahintulot.

Sabi ng PCSO, ang website na www.pakilotto.com o Pakilotto na gamit ng mga kumpanya ay hindi otorisado na mag-solicit at tumanggap ng taya mula sa publiko. Napatunayan din ng NBI na isang online illegal gambling site ang ‘Pakilotto’.

Show comments