MANILA, Philippines — Muling nagsusulputan ang mga bagong website sa e-sabong kaya patuloy ang illegal operation nito.
Ito ang inamin ni Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) spokesperson PCapt. Michelle Sabino at pinipilit nilang tanggalin ang website, subalit muli namang gumagawa ang mga ito para tuluy-tuloy ang laro ng e-sabong.
Ang e-sabong aniya ay nagpapakita ng pagkakataon sa ilang mga Filipino na tumaya para makakuha ng “quick money.”
Nakakalungkot lamang na marami pa ring Filipino ang umaasa sa ‘games of chance’ at ayaw na nahihirapan para kumita.
Ngayong buwan lamang, nasa 23 indibidwal ang inaresto kabilang ang isang konsehal, dahil sa e-sabong sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan.