Kandidato bawal gumamit ng ‘4ps’ - DILG

Workers print posters and tarpaulins of candidates in the barangay and Sangguniang Kabataan elections at a printing shop in Manila yesterday ahead of the start of the campaign period.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Habang kasagsagan ng kampanya para sa nalalapit na Barangay at Sangguni­ang Kabataan Election (BSKE), nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato na bawal gumamit ng mga government “social services” tulad ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) para makakuha lang ng mga boto.

Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni DILG National Barangay Operations Office Assistant Director Izza Marie Laurio na ang pamimili at pagbebenta ng boto ay hindi lamang sa pamamagitan ng pera kundi mga pekeng pangako.

“Huwag din natin gamitin ‘yung mga ganitong benepisyo ng gobyerno kasi ang vote selling and vote buying it’s not just monetary but also false pro­mises,” saad ni Laurio.

Binigyang diin ng opis­­yal na malinaw na isang panunuhol ang vote buying gayundin ang mga pa­nga­ko ng kandi­da­to ga­mit ang mga social services ng gob­yerno.

“Kapag nanalo ako, ganito ang ibibigay ko sa inyo, ganyan. So, it’s a form of bribery and form of vote buying na rin and vote selling,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaan na ang campaign period ay nagsimula nitong October 19 at magtatapos sa October 28 habang ang eleksyon ay itinakda sa October 30 mula 7 ng umaga hanggang 3 ng hapon.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Laurio ang mga kan­didato na ma­ging maingat sa kanilang pangangampanya dahil posibleng maharap sila sa mabigat na parusa sa san­­daling mapapatunayan na nilabag ng mga ito ang probisyon ng batas.

Show comments