^

Police Metro

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan

Ed Amoroso - Pang-masa
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan
Sinabi ni P/Major Dennis Villanueva, hepe ng pulisya ng bayang ito na ang natagpuang bang­kay ng babae ay ini­­la­rawan na nasa 30-35 anyos, ka­tamtaman ang panga­nga­tawan na naaagnas habang ito ay na­ka­tihaya sa silid nang makita ng mga rumes­pondeng pulis sa Phirst Park Subdivision.
Image by soumen82hazra from Pixabay

Higit P8 milyong droga nadiskubre sa kuwarto

MANILA, Philippines — Isang naaagnas na bangkay ng babae ang natagpuan sa silid ng inuupahang apartment sa isang subdivision sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni P/Major Dennis Villanueva, hepe ng pulisya ng bayang ito na ang natagpuang bang­kay ng babae ay ini­­la­rawan na nasa 30-35 anyos, ka­tamtaman ang panga­nga­tawan na naaagnas habang ito ay na­ka­tihaya sa silid nang makita ng mga rumes­pondeng pulis sa Phirst Park Subdivision.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang mga nakaselyadong plastic sachets na umano ay shabu na may timbang na 1.2 kilo na nagkakaha­laga ng P8,160,000 sa kabilang silid ng biktima.

Nabatid na ang nasabing apartment ay nireren­ta­han ng halos taon na ng isang Nigerian citizen na hindi matagpuan sa lu­gar nang dumating ang mga pulis sa crime scene kaya’t kinukonsidera nila na person of interest. Idinagdag pa ni Villanueva na walang senyales na nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng apartment at walang saksak o tama ng bala na nakita sa katawan ng biktima.

“Amin pang hinihintay ang resulta ng forensic unit team ng dahilan ng pagkamatay ng babae na kung saan ay may na­­ga­­nap na inuman dahil sa daming bote ng alak sa lugar,” wika ni Villa­nueva.

Inaalam din ng pulisya ang nakuha nilang impormasyon na maraming bu­mibisitang iba’t ibang babae sa nasabing bahay na inuupahan ng ban­yaga.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with