AFP kinondena ang agresibong galaw ng Chinese vessel sa West Philippine Sea

This file photo taken on April 23, 2023 shows the grounded Philippine navy ship BRP Sierra Madre where marines are stationed to assert Manila's territorial claims at Second Thomas Shoal in the Spratly Islands in the disputed South China Sea. A crumbling World War II-vintage Philippine navy vessel stranded on a submerged reef in the South China Sea has long been a flashpoint between Manila and Beijing in their territorial dispute over the waters.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y mapanganib at agresibong kilos ng Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS) nitong Biyernes.

Ayon kay AFP Spokes­person Col. Medel Aguilar, dapat nang itigil ng China ang kanilang “dange­rous and offensive” actions sa WPS nang paligiran at tangkaing ha­rangin ang barko ng Philippine Navy na nagsasagawa ng resupply mission.

Nabatid na tinangka ng PLAN 621 na lumapit sa LS507 na may closest point of approach (CPA) na 350 yards at 5.8 nautical miles southwest ng Pag-asa Island.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs chief Lieu­tenant Colonel Enrico Ileto na sa naturang insidente, nag-isyu ang BRP Benguet (LS507) nang sunud-sunod na radio challenges sa People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621) ng China, na umaaligid sa Philippine Navy vessel sa 80-yard distance.

Dito ay binanggit na ng Philippine Navy ang paglabag ng Chinese vessel sa Collision Regulations (COLREG) sa radio challenges nito habang sinagot ito ng PLAN 621 sa paglalahad ng 10-dash line narrative.

Tumutukoy ang 10-dash line sa bagong mapa na inilabas ng China na nagpapakita ng pag-angkin nito sa halos kabuuan ng South China Sea, Taiwan, at bahagi ng India.

Show comments