MANILA, Philippines — Na-hack din ang website ng Kamara de Representantes ng indibidwal o grupo na nagpakilalang “3MUSKETEERZ.”
“You’ve been hacked. You’ve been hacked. Have a nice day,” sabi ng mensahe ng hacker.
“Happy April fullz kahit October palang! Fix you website hacked by—3Musketeerz,” sabi pa nito.
Bukod sa litrato at caption, ginalaw din ng hacker ang laman ng schedule ng mga komite.
Ito ang kinumpirma ni Office of the House Secretary General Reginald Velasco, nakikipag-ugnayan na ang Kamara sa Department of Information, Communication and Technology (DICT) para maisaayos ang sistema at imbestigahan ito.
Nabatid na may lumabas na mensaheng “Na-hack ka” sa kaliwang bahagi ng landing page ng Kamara, www.congress.gov.ph, bago magtanghali, kasama ang troll face comic meme at dakong alas-12:55 ng tanghali nang hindi na ma-acces ang website ng Kamara.
Sinabi naman ni Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy na ito ang dahilan kung kaya inaapela nila ang pagtatanggal ng confidential funds para sa susunod na taon.