^

Police Metro

May-ari ng motor na maingay pinatawag ng LTO

Angie dela Cruz - Pang-masa
May-ari ng motor na maingay pinatawag ng LTO
Sinabi ni LTO Chief Vigor D. Mendoza na ang SCO ay ipinalabas nang may magreklamo sa LTO NCR hinggil sa sobrang lakas ng ingay na nilikha ng naturang motor­siklo buhat sa nakakabit na accessory sa sasakyan habang nasa Pasig.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Isang residente ng San Mateo Rizal na may-ari ng motorsiklo na may maingay na nakalagay na accessory habang nag-iikot sa Brgy. Santolan, Pasig City ang ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) sa October 16.

Pinadalhan na rin ng LTO NCR ng show cause order (SCO) ang may-ari ng sasakyan upang magpaliwanag kung bakit hindi ito maaaring maparusahan kaugnay ng paglabag sa traffic rules tulad ng hindi otorisadong paglalagay ng accessories sa sasakyan at improper person to operate a motor vehicle.

Sinabi ni LTO Chief Vigor D. Mendoza na ang SCO ay ipinalabas nang may magreklamo sa LTO NCR hinggil sa sobrang lakas ng ingay na nilikha ng naturang motor­siklo buhat sa nakakabit na accessory sa sasakyan habang nasa Pasig.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with