^

Police Metro

‘HDO’ inihain ng NBI laban sa mga opisyal ng ‘Socorro’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang petisyon ang inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) para maglabas ng “precautionary hold departure order” laban kina Jey Rence Quilario o “Senior Agila” at sa iba pang mga opisyal ng Socorro Bayanihan Services Inc.

Ito ay makaraang hawakan na ng NBI ang imbestigasyon sa ulat ng mga pang-aabuso partikular sa mga bata ng grupo, na unang isinagawa ng Commission on Human Rights (CHR).

Nitong Lunes, nagsagawa ang DOJ ng “clarificatory hearing” para makakalap ng sapat na mga impormasyon sa mga kasong inihain ng NBI laban sa mga personalidad.  Kabilang sa mga kasong inihain ng NBI ang trafficking, kidnapping and serious illegal detention, child marriage, at child abuse and exploitation.

Itinakda naman ng DOJ ang susunod na pagdinig sa Oktubre 20, kung kailan inaasahan ng DOJ panel of prosecutors ang pagsusumite ng mga “supplemental counter-affidavits” at presentasyon ng oposisyon sa mosyon sa PHDO.

Pansamantalang inilabas sa kustodiya ng Senado sina Quilario at kaniyang mga kasamahan kung saan sila nakaditine dahil sa contempt noong Setyembre 28.

JEY RENCE QUILARIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with