^

Police Metro

Bilisan ang imbestigasyon sa nasawing grade 5 student na sinampal ng guro — VP Sara

Mer Layson - Pang-masa
Bilisan ang imbestigasyon sa nasawing grade 5 student na sinampal ng guro — VP Sara
Vice President Sara Duterte on September 4, 2023
STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Binigyan ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte hanggang ngayong araw ng Department of Education ang Regional Office nito para tapusin ang fact finding investigation sa kaso ng pagkamatay ng Grade 5 student na si Francis Jay Minggoy Gumikib.

Ayon kay Duterte, kailangan nang makapagsampa ng kaso sa may kinalaman sa pagkamatay ng estudyante.

Pinag-uusapan din ang posibleng pagsampa ng kasong child abuse dahil sa pananampal.

Sa kanyang pagbisita sa burol ng bata, siniguro ni VP Sara sa mga magulang ng biktima na pabibilisin nito ang proseso sa kaso.

Tutulungan din ng DepEd ang mga magulang ng bata sa paghahain ng mga kasong kriminal kapag may basehan ito sa ebidensya at autopsy result.

Bukod pa dito ang ka­loob na tulong na agarang isailalim sa Psychological First Aid ang mga magulang at mga kapatid ng namatay.

Hinimok din ni VP Sara ang mga magulang na ipagpatuloy ang pag-aaral ng iba pang kapatid ni Francis.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with