^

Police Metro

Oil Deregulation Law, ipinababasura ng transport group

Mer Layson - Pang-masa
Oil Deregulation Law, ipinababasura ng transport group
Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) National President Mody Floranda, bigo ang naturang batas na ma­ideliber sa mga mamamayan ang ori­hinal nitong pangako na pabababain ang presyo ng langis sa bansa, sa pamamagitan ng unrestricted trade.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Dahil sa taas-babang presyo ng petrolyo sa bansa ay ipinababasura ng isang trans­port group sa pamahalaan ang Oil Deregulation Law.

Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) National President Mody Floranda, bigo ang naturang batas na ma­ideliber sa mga mamamayan ang ori­hinal nitong pangako na pabababain ang presyo ng langis sa bansa, sa pamamagitan ng unrestricted trade.

Sa halip, nabigyan lamang aniya ang mga kumpanya ng langis ng kalayaan na magtaas ng presyo ng petrolyo nang walang pangangasiwa ng pamahalaan.

“Panawagan natin sa gobyerno, baka kailangang tanggalin ang Oil Deregulation Law dahil ito ang sanhi ng taas-babang presyo ng petrolyo sa bansa,” pahayag pa ni Floranda.

Dagdag pa ni Floranda, ang P1 provi­sional fare increase ay bahagya lamang na makakatulong sa mga drivers, lalo na ngayong umabot na sa P19 kada litro ang itinaas ng gasolina.

Matatandaang una nang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional increase sa minimum fare para sa public utility jeepneys (PUJs), epektibo kahapon, Linggo, Oktubre 8.

Kasunod na rin ito nang pagdinig sa pagitan ng LTFRB, ilang transportation at commuter groups sa hike petitions na isinumite dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

OIL DEREGULATION LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with