^

Police Metro

Pagpasok sa bansa ng bilyong pisong droga, iimbestigahan ng Kongreso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang imbesti­gahan ng Kongreso ang umano’y sunud-sunod na pagpasok ng bilyun-bil­yong pisong halaga ng droga sa bansa.

Ngayong araw, Oktubre 9 ay magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang House Committee on Dangerous Drugs hinggil sa sunud-sunod na pagpasok ng bilyun-bilyong halaga ng droga sa bansa nitong mga nagdaang araw at linggo.

Magugunita na Oktubre 4, naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 323 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon na naka­silid sa isang shipment ng beef jerky galing sa bansang Mexico.

Inatasan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Cong. Ro­bert Ace Barbers, Chairman ng Dangerous Drugs, na alamin kung bakit sunud-sunod ang pagpasok ng droga sa bansa at kung sino ang mga nasa likod nito.

Noong nakaraang buwan ay 538 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 bilyon ang nasabat sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga at una dito ay 200 kilos ng shabu na nagkakahalaga rin ng P1.2 bilyon ang nadiskubre sa loob ng abandonadong kotse sa Mabalacat, Pampanga.

Humingi ng agarang imbestigasyon si House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. na taga-Pampanga na kailangan matuldukan at isipin na ang Pampanga ang bagsakan ng droga sa bansa.

Base sa datos ng PDEA, umaabot na sa higit P22 bilyon ang nakukum­piskang droga ng ahensya simula nang maupo si Pa­ngulong Marcos hanggang sa kasalukuyang panahon.

KONGRESO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with