MANILA, Philippines — Ipatutupad na ngayong araw, Oktubre 8 ang P13 minimum fare para sa mga pampasaherong jeepney.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), epektibo alas-12:01 ng madaling araw ngayong Linggo ay umpisa na ang paniningil ng P1 taas-pasahe o P13 na minimum fare sa lahat ng traditional at modern jeep mula sa dating P12 minimum na pasahe sa PUJ sa buong bansa.
Ang P1 taas pasahe ay inaprubahan ng LTFRB board noong nagdaang mierkoles upang maibsan kahit paano ang epektong dulot ng mataas na presyo ng petrolyo sa hanay ng mga operator ng mga passenger jeepney sa buong bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na ang taas pasahe ay provisional fare increase lamang habang wala pa silang desisyon sa petisyon ng Transport groups na P5 fare hike sa unang apat na kilometro at P1 taas sa succeeding kilometer.
Aniya kukunin nila ang pulso ng mga conmuters group na isa sa pagbabasehan ng desisyon sa P5 fare hike petition.
Sa Nobyembre, sisimulan na rin ng LTFRB board ang pagdinig sa petisyon naman sa taas pasahe pa sa jeepney na P5.