^

Police Metro

Mga bata ginagawang sundalo ng Kultong Socorro

Gemma Garcia - Pang-masa
Mga bata ginagawang sundalo ng Kultong Socorro
This photo shows Jey Rence Quilario attending a Senate hearing on the activities of Socorro Bayanihan Services, Inc., which has recently been accused of commiting the abuse of and sexual exploitation of children, September 28, 2023.
Facebook / Sen. Risa Hontivero

MANILA, Philippines — Isa sa mga miyembro ng ‘Soldiers of God” ng kultong Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) ang nagkumpirma na ginagamit na sundalo ng grupo ang mga batang edad anim hanggang pitong taong gulang.

Sa joint hearing ng Se­nate Committee on Public­ Order and Dangerous Drugs at Senate Committee­ on Women, Children, Family­ Relations and Gender Equality, nabatid na mayroong mga levels ang mga kasapi ng “Soldiers of God” kung saan ang tinutukoy na “God” o Diyos dito ay ang lider ng kulto na si Jay Rence Quilario o si “Senyor Agila”.

Ayon kay Jeng Plaza, isa sa mga kasapi ng “Soldiers of God”, may mga antas o cluster ang mga sundalo, ang Agila na siyang pinakamataas, sinundan ng Agnus, Bium, Ciera, Elli, Deo at ang pinakamaba­bang cluster ang Fetus.

Ang Fetus Cluster umano ay binubuo ng mga sundalong bata na may edad na anim hanggang pitong taong gulang.

Ikinagulat naman ito ni Senator Risa Hontiveros dahil ang mga ganitong edad ay dapat nasa grade school o pre-school pa umano ang mga ito.

Ibinunyag naman ni Atty. Richard Dano ng Socorro Task Force Kapihan na batay sa isinumiteng counter affidavit ng SBSI, binubuo ng 650 na mga bata ang Fetus cluster na may 20 staff.

Sa halip na paglalaro at pag-aaral ay katakut-takot na paghihirap sa pagsasanay ang pinagdadaanan ng mga batang sundalo katulad ng pagbubuhat ng buhangin, pagsasanay ng arnis at masi-masi military exercise, at kapag nagkamali o may nilabag sa kanilang rules ay pinaparusahan ang mga bata ng military style na ehersisyo at pina-paddle.

Maliban dito, ikinabigla rin ni Hontiveros na ang Elli Cluster ay binubuo ng mga ‘nursing mothers’ o mga kapapanganak lang at ayon kay Atty. Dano, ito naman ay mayroong 552 members at 16 na staff.

RISA HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with