^

Police Metro

Nipah virus ‘di makakapasok sa Pinas

Danilo Garcia - Pang-masa
Nipah virus ‘di makakapasok sa Pinas
Health workers wearing protective gears shift a man with symptoms of Nipah virus to an isolation ward at a government hospital in Kozhikode in south Indian state of Kerala on September 16, 2023.
AFP

MANILA, Philippines — Hindi makakapasok sa Pilipinas ang mapanganib na Nipah virus makaraang makontrol na umano ng India ang outbreak nito.

Ito ang paniwala ni health expert na si Dr. Rontgene Solante, pa­ngulo ng Philippine College of Physicians.

Sa datos, dalawa ang naitalang nasawi at apat ang nadagdag na kaso ng impeksyon mula noong nakaraang buwan sa India.

Sinabi ni Solante na mas madaling bantayan ang naturang virus dahil sa uri ng sintomas nito at bibihira rin umano ang naitatalang outbreaks ng naturang virus.

Nakatala sa World Health Organization (WHO) ang Nipah virus na isa sa mga sakit na na­ngangailangan ng prayoridad na pagsasaliksik dahil sa potensyal na magdulot ng pandaigdigang epi­demya. Kasama nito sa talaan ang Ebola, Zika at COVID-19.

Naikakalat ang Nipah sa tao mula sa mga hayop, partikular sa mga paniki at sa kontaminadong pagkain.

Maaari rin itong direktang mailipat ng isang maysakit na tao sa kapwa tao.

Kasama sa mga sintomas nito ang matinding lagnat, pagsusuka, respiratory infection, habang ang mas malubhang kaso ay nagkakaroon ng pagkahimatay, brain inflammation na nauuwi sa coma.

Mayroon umanong mortality rate ang virus ng mula 40% hanggang 75% depende sa kalusugan ng pasyente.Wala pang nalilikhang bakuna laban sa Nipah.

NIPAH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with