^

Police Metro

DOH sa publiko: Magsuot ng face mask kontra ‘smog’

Danilo Garcia - Pang-masa
DOH sa publiko: Magsuot ng face mask kontra âsmogâ
Litrato ng ilang estudyante sa Batangas na isinugod sa ospital dulot ng volcanic smog mula sa Bulkang Taal
Released/Tuy MDRRMO

MANILA, Philippines — Muling magsuot ng face masks kung lalabas ng bahay para makaiwas sa mga posibleng panganib sa kalusugan dulot ng makapal na “vog (volcanic gas”) na ibinubuga ng bulkang Taal.

Ito ang naging payo kahapon ng Department of Health (DOH) sa publiko dahil ang volcanic smog o vog ay binubuo ng mga maliliit na patak ng abo na naglalaman ng volcanic gas tulad ng sulfur dioxide na acidic at maaaring magdulot ng pagkairita ng mata, lalamunan at mga daanan ng hininga, depende sa konsenstrasyon ng gas at tagal ng pagkaka-expose.

Nakararanas ang Metro Manila at mga lalawigan na malapit sa Taal ng “poor air quality index”.

Anya, kung wala namang importanteng gagawin sa labas ay manatili na lamang sa loob ng mga bahay para malimitahan ang pagkakalantad sa smog.  Huwag ding kalimutan na palagiang isara ang pinto at bintana para hindi ito makapasok.

Para sa mga may na­ra­ramdaman sa paghi­nga­­­, dapat na uminom ng mara­ming tubig para maiwasan ang iritasyon at pagtutuyo ng lalamunan.

vuukle comment

DOH

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with