MANILA, Philippines — Mahigit 92 milyong balota na gagamitin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang natapos nang naimprenta ng National Printing Office (NPO).
Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nasa kabuuang 92,054,974 opisyal na balota ang gagamitin sa halalan.
Nabatid na itinurn-over na ng NPO sa Comelec nitong Huwebes ang certification of completion para sa pag-imprenta ng mga naturang balota, gayundin ang iba pang accountable forms para sa halalan.
Matatandaan na noong Marso pa natapos ng NPO ang pag-imprenta ng higit sa 90 milyong balota. Nadagdag ngayon ang higit sa 1.6 milyon na balota dahil sa mga bagong rehistradong botante noong Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Bukod dito, nakapag-imprenta na rin ang NPO ng kabuuang 2,092,147 official ballots para sa plebisito upang ratipikahan ang conversion ng City of San Jose Del Monte, Bulacan bilang isang highly-urbanized city (HUC). Magkasabay na isasagawa ang BSKE at plebesito sa San Jose Del Monte City sa Oktubre 30.