Presyo ng isda sa bansa ‘di magtataas

Various seafood products are on display for sale at the fish market in Dagupan City on May 30, 2023.
The Philippine STAR / Cesar Ramirez, file

MANILA, Philippines — “Walang anumang ma­gaganap na pagtataas sa presyo ng mga isda sa bansa dahil maraming isda sa Pilipinas.”

Ito ang sinabi ni  Danilo Fausto, President ng Phil Chamber of Agriculture and Food Inc. na hindi nababago ang presyo ng iba’t ibang uri ng isda sa bansa dahil walang kakulangan sa demand dito ng mamamayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Fausto na pabor din ang private sector sa close season dahil sa mga strategic areas lamang ito naisasagawa.

Anya, sa isang kilome­t­rong karagatan ay may 250 toneladang isda ang napo-produce sa isang taon.

Hinikayat nito ang pamahalaan na magsampa ng environmental case laban sa China dahil sa pagwasak sa coral reef sa West Philippine Sea.

Ang Pilipinas ang ikalimang bansa sa Asya na   may malaking shoreline.

Show comments