^

Police Metro

Marcos ipinamigay ang mahigit 42K sakong puslit na bigas sa mga mahihirap

Angie dela Cruz - Pang-masa
Marcos ipinamigay ang mahigit 42K sakong puslit na bigas sa mga mahihirap
The distributed rice is part of the 42,180 sacks of imported rice confiscated and forfeited by the Bureau of Customs (BOC) Zamboanga Port District and donated to the Department of Social Welfare and Development IX (DSWD) for distribution to the indigent Filipino families in Zamboanga peninsula.
Roel Pareño

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pa­ngulong Bongbong Marcos ang pamamahagi ng nakumpiskang smuggled rice sa 5,000 mahihirap na pamilya sa Zamboanga Peninsula.

“Kailangan sapat ang pagkain para sa ating mga kababayan. Kasama diyan ay pinapatibay natin ang sistema ng agrikultura. Ngunit hindi lamang, yun ang nagiging problema sa agrikultura dito sa Pilipinas, ang isang napakalaking problema ay ang pag-smuggle ng bigas papasok ng Pili­pinas,” wika ni Marcos.

“Hindi lamang pag-ayos ng agricultural sector ang ating kailangang gawin. Kailangan din nating pagti­bayin ang ating pag-impose ng mga batas tungkol nga sa pagbigay ng suplay ng bigas sa atin, sa buong Pili­pinas. Hindi tama na nagpapasok sila, iniipit nila ang suplay, pinapataas nila ang presyo, naghihirap ang tao para lang kumita sila ng malaki,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ang rice distri­bu­tion sa Zamboanga ay magsisilbing kick-off mula sa 42,000 sako ng bigas na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) na ipinamahagi sa DSWD.

Ang DSWD-Field Office 9 ang pumili ng 5,000 “poorest of the poor” na unang batch na recipients ng 25 kilos ng high-grade Jasmine fragrant white rice mula sa bayan ng Tungawan at Sibuco gayundin sa Zamboanga City.

Ang naipamahaging 5,000 bags ng Jasmine rice ay bahagi ng 42,180 bags ng imported rice na may halagang P42 milyon na nakumpiska ng BOC-Port of Zamboanga sa isang raid sa isang warehouse sa Brgy. San Jose Gusu, Zamboanga City.

FERDINAND MARCOS JR.

NFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->