Malala ang pinsala sa Rozul Reef, Escoda Shoal corals sa WPS - PCG
MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey sa mga bahagi ng West Philippine Sea na pinamamalagian ng mga Chinese militia vessels ay napatunayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakaroon ng matinding pinsala sa coral reefs.
Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson para sa West Philippine Sea, sinabi niya na base sa underwater surveys sa Rozul (Iroquois) Reef at Escoda (Sabina) Shoal, nagpapakita ito na ang marine ecosystem sa mga lugar ay “appeared lifeless, with minimal to no signs of life.”
Mayroon din umanong ‘discoloration’ sa seabed ng Escoda shoal na posibleng dahil sa mga aktibidad na nagbago sa topograpiya ng ‘underwater terrain’.
Nakita rin ang mga basag na mga corals sa lugar tanda na nagkaroon ng pag-harvest nito.
Isinagawa ang coast guard survey mula Agosto 9 hanggang Setyembre 11, kung kailan mayroong 33 Chinese militia vessels sa Rozul Reef at 15 naman sa Escoda Shoal.
Ang survey ng PCG ay sumusuporta sa ulat ng Armed Forces of the Philippines-Western Command sa pagkasira ng mga corals.
Hinihinala rin ng military na nagkaroon ng pag-harvest ng mga corals ng mga Chinese vessels.
- Latest