^

Police Metro

Middle class pinapasama sa Pantawid Pasada Program

Gemma Garcia - Pang-masa
Middle class pinapasama sa Pantawid Pasada Program
Photo shows jeepney driver have successfully claimed his Pantawid Pasada cash cards loaded with P6,500 fuel subsidy as part of the National Government’s support intervention to PUV drivers amid the rising fuel prices. The driver-beneficiaries can use the cash cards to purchase fuel at participating fuel stations nationwide.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng isang mambabatas na hindi lamang ang pinakamahihirap ang dapat mabenepisyuhan ng Pantawid Pasada Program ng pamahalaan, kundi ma­ging ang middle class na apektado rin ng pagsirit ng presyo ng langis.

“Ang nakikita ko lang defect sa Pantawid Pa­sada ay hindi natin natutulu­ngan ‘yung middle class natin. Marami sa middle class bumibili nang sasakyan dahil alam naman natin ‘yung public transportation natin ay masikip at hindi ganun ka-episyente,” ani Sen. Sherwin Gatchalian.

Puna pa ng Senador na kahit mataas ang presyo ng petrolyo ay marami sa mga mayayaman ay hindi naman nagpalit ng habit sa pagbabawas ng biyahe.

Kaya sa halip na fuel excise tax suspension, hinikayat nito ang gobyerno na magbigay ng tulong sa mga vulnerable sectors sa pamamagitan ng Pantawid Pasada program.

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies ang kahulugan ng gobyerno sa middle class ay ang mga mayroong income sa pagitan ng dalawa hanggang 12 beses na poverty line o tinatayang P24,000 at P145,000 family income.

Iginiit ni Gatchalian na dapat pa rin ang masusing pag-aaral para sa panukalang pagsuspinde ng fuel excise taxes dahil maaaring maubos ang kita ng gobyerno.

PANTAWID PASADA PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with