Organic farming ng gobyerno suportado ng solon
MANILA, Philippines — Suportado ni Congressman Robert Ace Barbers ang programa ng pamahalaan na gamitin ang organic fertilizers o organikong pataba sa bansa upang palakasin ang produksiyon ng mga produktong pang-agrikultura, partikular na ang palay.
Ayon sa Surigao del Norte, 2nd District congressman Barbers, ang composting at paggamit ng organic fertilizers ay mas mahusay na agriculture practices para sa proteksiyon ng lupa at pagkakaroon ng mas malusog na mga pananim.
Nangako rin Barbers, na isang anti-crime advocate, na susuportahan ang commitment ng Kamara na gawing prayoridad ang pagpapasa ng panukalang pag-amiyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.
Si Barbers, na malapit na kaalyado ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ay nagsabi rin na ang banta ng agricultural smuggling at hoarding ay nagbunsod sa bansa patungo sa economic turmoil, na nagpalala sa pagdurusa ng mga mahihirap.
Aniya pa, napapanahon na para maganap ang isang ‘decisive action’ dahil marami nang Pinoy ang nagdurusa mula sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan, gaya ng bigas.
Sinabi ni Barbers na pangungunahan niya ang pagbuwag sa mga sindikato at kartel na nasa likod ng hoarding ng bigas at ng mga agriculture products.
- Latest