^

Police Metro

Bilang ng estudyanteng nakapag-enroll sa SY 2023-2024, nasa 27 milyon na

Mer Layson - Pang-masa
Bilang ng estudyanteng nakapag-enroll sa SY 2023-2024, nasa 27 milyon na
Students of Aurora Aquino Elementary School in Malate, Manila actively participate during their first day of classes on August 29, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaabot na sa halos P27 milyon ang bilang ng enrollees para sa School Year 2023-2024.

Ito ang iniulat ng Department of Education (DepEd) batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2023-2024 hanggang alas-2:10 ng hapon nitong Setyembre 15, 2023, ay nakapagtala na ng 26,912,559 kabuuang bilang ng mga estudyante na nagpare­histro sa public at private schools, gayundin sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs), para sa kasalukuyang taong panuruan.

Pinakamarami pa rin ang bilang ng mga estudyanteng nagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 3,913,016; Region III (Central Luzon) na may 2,956,658 enrollees at National Capital Region (NCR) na may 2,779,389 enrollees.

Habang ang Alternative Learning System (ALS) naman ay nakapagtala na ng 330,578 enrollees.

Kumpiyansa rin ang DepEd na maaabot nila ang mahigit sa 28 mil­yong enrollees na target hanggang sa nasabing panahon.

SCHOOL YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with