63 barangay sa BARMM ‘areas of grave concern’ ng PNP

MANILA, Philippines — Nasa 63 liblib na barangay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pawang nasa lalawigan ng North Coatabo ay idineklara na bilang ‘areas of grave concern’ o red code ng PNP.
Ayon kay BARMM Regional Director BGen. Allan Nobleza, ang mga naturang barangay ay matatagpuan sa anim na bayan ng North Cotabato na kasalukuyan nang binabantayan ng mga otoridad.
Maliban sa North Cotabato, binabantayan din aniya ang iba pang mga bayan at probinsya na nasa ilalim ng Bangsamoro Region dahil pa rin sa posibilidad ng mga paggalaw ng mga masasamang elemento, kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
- Latest