Bomb jokes, bawal sa lahat ng public transport - DOTr

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal ang bomb jokes sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa.

Ito ang pinaalala kahapon sa publiko ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kasunod na rin ng bomb threat na natanggap ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong Biyernes.

Ayon kay Bautista, ang pagbabawal sa bomb jokes ay hindi lamang limitado sa pagbiyahe sa himpapawid kundi ang  lahat ng uri ng transportasyon at may katapat na parusang pagkabilanggo at multa.

“Ito po ay hindi lang sa eroplano, sa lahat ng mode of transport. Kaya tinatawagan natin ang mga kababayan na huwag po nilang gawing biro yung mga bomb threat,” pahayag pa ni Bautista.

Tiniyak rin ni Bautista na ang bomb threat na natanggap ng MRT-3 ay panloloko lamang at masusi nang inimbestigahan upang  matunton ang pinagmulan ng email.

Show comments