^

Police Metro

Pamamahagi ng fuel subsidy aarangkada sa linggong ito

Mer Layson - Pang-masa
Pamamahagi ng fuel subsidy aarangkada sa linggong ito
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, target nilang masimulan ang distribusyon ng P3 bil­yong fuel subsidy para sa may 1.36 milyong PUV drivers sa buong bansa sa susunod na dalawang araw.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Ngayong linggong ito ay nakatakda ang pamahalaan na ipamahagi ang fuel subsidies para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng serye nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong nakalipas na siyam na linggo.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, target nilang masimulan ang distribusyon ng P3 bil­yong fuel subsidy para sa may 1.36 milyong PUV drivers sa buong bansa sa susunod na dalawang araw.

Tiniyak ni Bautista na pinakamatagal na ang Setyembre 15, Biyernes, upang masimulan ang naturang distribusyon.

Sinabi ng kalihim na ipapamahagi nila ang subsidiya sa may 6,000 Modernized Public Uti­lity Jeepney (MPUJ) operators; 150,000 public utility jeepney (PUJ) drivers at operators; 500 Modernized Utility Vehicle Express (MUVE) operators; 20,000 utility van express operators; 930,000 tricycle dri­vers at operators; 150,000 food delivery riders; at iba pa.

Ang drivers ng mga MPUJ at MUVE ay tatanggap ng tig-P10,000 habang tig-P6,500 naman sa mga tsuper ng mga tradisyunal na PUJ at UVE, Public Utility Buses (PUB), mini buses, taxi, Shuttle Services Taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), Tourist Transport Services, School Transport Services at Filcabs.

Ang mga tricycle drivers ay tatanggap rin ng tig-P1,000 na subsidiya habang ang mga driver ng delivery services ay tatanggap naman ng tig-P1,200.

OIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with