MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi makaraang sumalpok sa kasalubong na sasakyan nang mag-counter flow, kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Highway, Brgy. Mendez Crossing East, Tagaytay City.
Sa imbestigasyon, alas-12:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan sakay ang biktima ng kaniyang motor na for registration plate at bumabagtas sa nasabing lugar.
Habang minamaneho naman ni Ria Pante, 33, residente ng Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City ang kaniyang kotse nang bigla umanong mag-counterflow ang biktima at tuluy-tuloy na sumalpok sa kotse.
Ayon sa mga nakasaksi, may kabilisan umano ang takbo ng biktima kaya’t hindi ito nakita ng kotse nang ito ay sumalubong kaya’t nasalpok ang biktima na inaalam pa ang pagkakakilanlan.