^

Police Metro

8 parak sa ‘Jemboy Slay’ sibakin sa serbisyo

Doris Franche-Borja - Pang-masa
8 parak sa �Jemboy Slay� sibakin sa serbisyo
Rodaliza Baltazar, the mother of minor Jemboy Baltazar, turns emotional as she looks at her son's dead body during his funeral in Barangay Kaunlaran, Navotas City on August 11, 2023.
Ernie Penaredondo / The Philippine STAR

Resolusyon ng PNP-IAS…

MANILA, Philippines — Walong pulis na sabit sa pagpatay kay Jerhode “Jemboy” Baltazar noong nakaraang buwan sa Navotas ang ipinasisibak sa serbisyo ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS).

Guilty umano sina Executive Master/Sgt. Roberto Balais Jr.; Staff Sergeants Antonio Bugayong Jr.; Gerry Maliban; at Nikko Pines Esquillon; Cpl. Edmard Jake Blanco; at Pat. Benedict Mangada sa grave irregularity in the performance of duty at conduct unbecoming of a police officer, habang guilty naman sa grave neg­lect of duty sina Captains Mark Joseph Carpio; at Luisito de la Cruz.

Ipinasa ng IAS ang kopya ng resolusyon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na otorisadong mag-apruba­ sa rekomendasyon, at kapag naaprubahan ito ay mawawala lahat ng bene­pisyo ng mga nasabing pulis liban sa leave credits.

Nilabag umano ng mga parak ang standard opera­ting procedures nang barilin si Baltazar sa bangka at muli nang lumundag ito sa tubig at sinabi ng mga saksi na talagang nais patayin ng mga pulis si Jemboy.

Napagkamalang suspek sa pamamaril si Baltazar sa Barangay North Bay Boulevard South Kaunlaran noong Agosto 2.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with