^

Police Metro

Sindikato ng kidney-for-sale nasa socmed na

Danilo Garcia - Pang-masa
Sindikato ng kidney-for-sale nasa socmed na
Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si John Gabriel, nasa hustong gulang, nang arestuhin ng mga tauhan ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes Division sa loob ng isang kainan sa Quezon City, kamakalawa.
File

MANILA, Philippines — Pinasok na ng isang sindikato na nagbebenta ng kidney ang social media makaraan maaresto ang isang lalaki ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City nang tangkang pagbili ng kidney ng isang biktima na nakilala niya sa Facebook.

Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si John Gabriel, nasa hustong gulang, nang arestuhin ng mga tauhan ng NBI Anti-Organized and Transnational Crimes Division sa loob ng isang kainan sa Quezon City, kamakalawa.

Ayon kay NBI-AOTCD chief, Atty. Jerome Bomediano, nadiskubre nila ang bentahan ng kidney sa Facebook nang ma-monitor ang usapan ng suspek at biktima. 

Dito isang ahente ang nagpanggap na kliyente na nangangailangan ng kidney para sa kaniyang kaanak. 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money buhat sa naturang ahente ay dito na siya inaresto ng mga NBI.

Sa salaysay ng biktima na kinilala sa alyas Carlo, nakilala niya ang suspek sa Facebook at na-engganyo na ibenta ang isa niyang kidney para may pambayad siya sa utang sa inuupahan niyang bahay at mga bills sa kuryente at tubig.

Pinangakuan umano siya ng suspek na babayaran ng P250,000 at lalo pang na-engganyo nang sabihan siya na bibigyan pa siya ng allowance habang nagpapagaling mula sa operasyon.

Depensa naman ni Gabriel, unang pagkakataon pa lang umano niya na gawin ang pagbili ng kidney at ito ay para may maipampagamot sa kaniyang ina na nagda-dialysis. 

Pero hinala ng NBI, na ang suspek ay miyembro ng isang organisadong sindikato base sa mga mensahe na natagpuan nila sa cellular phone niya kung saan nakita na marami siyang kausap at mga kliyente.

Nagpaalala ang NBI sa publiko na mahigpit ang regulasyon ng Department of Health ukol sa donasyon ng organ. Tanging pinapaya­gan lamang ang donasyon ng mga kaanak o mga malalapit na kakilala.

vuukle comment

KIDNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with