^

Police Metro

Rice traders tutulong para sa murang bigas

Gemma Garcia - Pang-masa
Rice traders tutulong para sa murang bigas
Rice dealers display rice and their prices at New York Street, Cubao, Quezon City on April 16, 2023.
STAR / Michael Varcas

EO ni Pangulong Marcos sa price ceiling sinuportahan

MANILA, Philippines — Makikipagtulungan ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa pamahalaan para mabigyan at makabili ng murang bigas ang mga mamimili.

Ito ang sinabi ng asosasyon ng rice tra­ders matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No.39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa P41 kada kilo sa regular milled rice at P45 sa kada kilo ng well milled rice.

Sinabi ni Rowena Sadicon, lead convenor ng PRISM, hangad ng kanilang hanay na mabigyan ng tamang presyo ang mga mamimili.

Giit ni Sadicon, patulong silang nakikiusap at nakikipag-usap sa pangulo at sa Department of Agriculture (DA) dahil nais lang nila ay magkaroon ng maayos na bigas sa ating pamilihan, na mabigyan  natin ng tamang presyo, na kung ano po ‘yung hinihi­ling sa kanila

“Maaari pong hindi maintindihan ng lahat sa simula pero eventually po sa sama-samang pagtutulong ng ating mga kasamahan sa industriya ng bigas ay mapapagtagumpayan din po lahat ito at maihahain po natin sa ating mga consumers ang ating murang bigas, na ito po ang layunin ng ating Pangulo,” dagdag ni Sadicon.

Inamin naman ni Sadicon na may mga negos­yante ang pumalag sa utos ni Pangulong Marcos, subalit umaasa siya na maiintindihan ng mga miyembro ng PRISM ang hakbang na ito ng punong ehekutibo.

PRISM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with