MANILA, Philippines — Umaabot na sa sa P898.4 milyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Goring sa sector ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang naturang halaga ay may volume of production loss na 39,011 metric tons sa may 34,979 ektarya ng agricultural land na winasak ng bagyo. Mayroong 24,457 magsasaka ang naapektuhan ng naturang kalamidad.
Ayon sa DA ang updated reports ay mula sa Cagayan Valley at Western Visayas. Ang mga nawasak ng naturang bagyo ay ang mga pataniman ng palay, mais, high value crops, livestock at poultry.
Patuloy pa rin ang ahensiya sa pagsasagawa ng assessment sa pinsala ng naturang bagyo sa agrikultura at fishery sector at patuloy din ang koordinasyon ng DA sa mga local govt units at mga kinauukulang tanggapan at ahensiya ang pamahalaan para malaman pa ang impact ni Goring gayundin ay para malaman ang mga available resources na magagamit sa interventions at tulong sa mga magsasaka.
Naglaan ang DA para rito ng P100 milyong halaga ng bigas, mais at assorted vegetable seeds para ipantulong sa mga apektadong magsasaka gayundin ng mga gamot para sa mga hayupan.