^

Police Metro

Pinsala sa agri ng bagyong Goring, P898.4 milyon na

Angie dela Cruz - Pang-masa
Pinsala sa agri ng bagyong Goring, P898.4 milyon na
A man braves heavy showers and winds while inspecting his corn farm as Typhoon Saola brushes past Ilagan City, Isabela Province, north of Manila on August 27, 2023.
STR / AFP

MANILA, Philippines — Umaabot na sa sa P898.4 milyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Goring sa sector ng agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang natu­rang halaga ay may volume of production loss na 39,011 metric tons sa may  34,979 ektarya ng  agricultural land na winasak ng bagyo. Mayroong 24,457 magsasaka ang naapektuhan ng natu­rang kalamidad.

Ayon sa DA ang updated reports ay mula sa Cagayan Valley at Western Visayas. Ang mga nawasak ng naturang bagyo ay ang mga pataniman ng palay, mais, high value crops, livestock at poultry.

Patuloy pa rin ang ahensiya sa pagsasagawa ng assessment sa pinsala ng naturang bagyo sa agrikultura at fishery sector at patuloy din ang koordinasyon ng DA sa mga local govt units at mga kinauukulang tanggapan at ahensiya ang pamahalaan para malaman pa ang impact ni Goring gayundin ay para malaman ang mga available resources na magagamit sa  interventions at tulong sa mga magsasaka.

Naglaan ang DA para rito ng P100 milyong halaga ng bigas, mais at assorted vegetable seeds para ipantulong sa mga apektadong magsasaka gayundin ng mga gamot para sa mga hayupan.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with