3-araw pang pag-ulan, mararanasan sa habagat at bagyong Hanna – PAGASA
Pinalakas pa ng 2 tropical cyclone
MANILA, Philippines — Makararanas pa ang Pilipinas ng tatlong araw na pag-uulan dahil sa pinalalakas ng bagyong Hanna at 2 tropical cyclone sa labas ng PAR, magpapa ulan pa ng 3 araw
Patuloy na magdudulot ng walang puknat na pag ulan sa susunod na tatlong araw ang habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna at dalawa pang tropical cyclones na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name SAOLA na dating si bagyong Goring at KIROGI sa may kanlurang bahagi ng Luzon.
Dulot nito nitong sabado at ngayong araw, Linggo ay maulan sa Metro Manila, Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at sa northern portion ng Eastern Visayas.
Sa Lunes ay makakaranas pa rin ng pag ulan sa Metro Manila gayundin sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, at Western Visayas.
Samantala bahagyang lumakas at bumilis ang Bagyong Hanna habang kumikilos sa hilagang bahagi ng Sea East ngTaiwan.
Alas-11:00 ng umaga, si Hanna ay namataan ng PAGASA sa layong 455 kilometro sa silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes habang kumikilos sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyog Hanna ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro kada oras at may pagbugso ng hangib na umaabot sa 160 kilometro kada oras.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na mag-ingat lalo na yaong mga nasa tabing ilog at bulubunduking lugar dahil sa banta ng flashfloods at landslides.
- Latest